They say I’m too Young to become a father. I’m 100% agree with them. Pero Hindi ibig sabihin nun hindi ko kayang gampanan ang responsibilidan ng isang Ama ..Inaamin ko ang Hiiiiirap talaga mag ka anak. Halos 1 week na kaming magkasama sa bahay ni Phoenix. Sa pagpaligo at pagpalit ng diaper nyang may po-pooh ako ang kasama nya..nakakapagod sa maghapon ..Pumunta sila len-len sa Q.c. may inaasikasong mahalagang bagay. Pero sobrang saya rin pala.. Nakikita ko ang sarili ko kay Phoenix.. hehe kahit na hindiko sya ganun kamuka. ^.^

Feeling ko ako yung PAPA ko at si Phoenix naman ako. marami akong pangarap at Gustong mangyari sa kanya. Mga bagay na Hindi ko naranasan sa papa ko. Inaamin ko na may tampo ako sa papa ko DAhil Hindi ko sya halos nakasama hanggang sa magkaroon ako ng anak. Hindi ko alam, kamamatay lang nyan this march. pinipilit kong maghanap at maghalukay sa damdamin ko pero bakit ganun Hindi ako
naiiyak. Nalungkot ako… Gusto kong umiyak.. pero wala talaga akong maramdaman. Hindi ko kase sya nakasama hanggang sa lumaki ako..wala kaming masasayang memories, Tama memories na masasabi kong Mahal na Mahal nya ko.. Wala talaga..
But I don’t blame him, I forgive Him and I respect him. Kahit na Hindi nya napanindigan ang responsibilidad nya saken.. Gusto ko Lahat ng pagkakamali ng AMA ko, itatama ko sa anak ko.. Hindi madali sa age at sitwasyon ko Pero Hindi ito handlang para Hindi ko magawa…
And I know God is With me..
nakalimutan ko Fathers Day nga pala ngayong Bwan..
Happy Father’s day..!